Reflection Paper: The Power of Habit by Charles Duhigg

Hindi natin namamalayan na madalas tayo gumagawa ng mga bagay hindi dahil yun ang kailangan natin, kundi dahil yun ang nakagawian natin.

Ang librong ito ay patungkol sa pag-aaral ng mga nakagawiang aksyon ng tao at kung paano nila ito kayang baguhin. Ginagamit ang agham upang mabusisi nang maayos ang ating nakagawian o ang tinatawag nating habits. Ginagawa ito upang matutunan natin kung pano natin ito mababago patungo sa ikabubuti natin.

Nabanggit din dito na maski isang maliit na bagay lang ang baguhin ng isang tao sa routine niya, maaaring maging malaki ang epekto nito sa buhay ng taong iyon kung sakto ang pagkakapokus niya sa aspetong gusto niyang baguhin. Pati pag lagi raw nating ginagawa ang bagay na di naman natin madalas gawin, nakakasanayan pa rin nating gawin ito dahil parang likas na sa atin na gawin iyon. At dahil doon, nabubuo ang tinatawag nating habit.

May parte sa librong ito na sinabing may matanda na malabo ang memorya na di na niya kayang matandaan ang mga bagay na ginawa niya maski kakagawa niya lang iyon. Ngunit noong lagi siyang nilakad ng kanyang asawa sa lugar nila, may pagkakataon na nagawa niyang maglakad mag-isa at nakabalik sa kanyang asawa. Pinapatunayan lamang nito na magkahiwalay sa utak natin ang habits at memorya natin. Maaaring may mga bagay tayo na ginagawa nang hindi natin namamalayan.

Maraming eksperimentong ginagawa ang mga siyentipiko upang mas malinawan ang nakararami patungkol sa kung paano gumagana ang utak ng tao lalo na sa aspetong habits kagaya ng nakasaad sa librong ito.

May nilagay din sila kung paano mababago ang nakagawian natin. Una, dapat muna nating malaman kung ano yung gusto natin baguhin. Pangalawa, dapat tayo mag handa ng reward para mas ganahan tayong mabago iyon at upang malihis ang isip natin na gawin ang ating kinagawian. Pangatlo, maaari nating isulat o gumawa ng datos ng ating habits upang makita natin ang pattern at mas mapapadali nating baguhin iyon. Ika-apat, magplano upang mas busisi nating mabago ang habit na iyon.

Kung mas maraming tao ang nakakaalam tungkol sa librong ito, baka hindi lang nila mapaunlad ang kanilang sarili kundi maaari na rin nilang mapaunlad ang ekonomiya. Dahil maraming kwenta ang librong ito, may mga tips pa nga para sa negosyo kaya masasabi kong malaking tulong ang librong ito para sa lahat.